"Swelas" ni Ruth Apdoro


Una palang makita ang isat isa nadarama na agad ang galak at ligaya, parang buslong walang pagsiglan ng saya dahil akoy may kasama na at di nagiisa
landas na aking tatahakin, ikaw at akoy wala nang aangkin salamat at dumating ka, para di na humanap pa ng katuwang sa iba
handa na akong pag silbihan ka hanggang sa abot ng aking makakaya tuwa sa pusoy pumapanaog, sa bawat swelas na aking handog
sabay tayong mag lalakad, daop ng ating mga pangarap akoy di ka lilisanin dahil ikaw ay matatawag kong akin
kasama mo ako kahit san ka magpunta tumakbo,maglakad at mag pahinga di alintana sa akin ang sakit at pagod dahil bigay kong buhay sayo iaabot
masaya ka naman at ganun din ako napapataba ko ang iyong puso bastat tayoy magkasama wala nang alinlangan pa
ngunit bakit sa pag lipas ng panahon kagandahan koy di na natutuon, sa iyong pansin di na nililingon hinahayaan nang dumumi itong ating relasyon?
masakit naba ang iyong mga paa? tuwing tayoy nglalakbay ng sabay di ko naba nabibigay ang proteksyon? sa pangarap natin na parehas ang destinasyon?
Sobrang bigat naman sa pakiramdam, Pagkayare mo akong gamitin at pag sawaan Ay bigla nalang ilalagay sa kawalan Ni di makilala nino man
bakit sobrang dali sayo na akoy kalimutan ganung sabay naman tayo sa balak magtagumpay, wala naba akong halaga wala naba akong saysay?
dahil ikaw ay may bago na bagong gamit na nag bibigay kurba, sa mga labi mong aking napapansin At mga matang di na sa akin nakatingin
kabuoan ko naman ay matino pa sa lahat ay kayang asahan na, Mangilan ngilan at kaunting pudpod Ngunit di dapat iwan at saki'y magdamot
ako kaya'y mapapakinabangan mo pa? O aasa pabang mapapansin pa ng iba, ang importasya ko at presensya swelas na di na sayo uubra.

Comments

Popular posts from this blog

"Pencil without Ink" by Ruth Apdoro

"Lapis na Walang Tasa" ni Ruth Apdoro