"Lapis na Walang Tasa" ni Ruth Apdoro
Kay sarap naman nitong lasapin
Pag-ibig na di magmamaliw
Palaging may nakaukit na ngiti
Sa magandang labi ng ginigiliw
Ngunit ito'y nasanay na sa saya't lambing
Na akala ay wala nang pagising
Di nakahanda sa tuluyang pagdating
Bagay na nakasira sa isip at di mailibing libing
Sa unay nasasabayan pa ang liko ng lapis
Pinagbibigyan at sinasabayan ang saliw
Hindi naglaon ito ay lumalabis
Naputol, natangal at nabali
Lapis na hawak
Nagkaroon na ito ng lamat
Bawat parte,kay laki ng agwat
Sa paninira,ay di papaawat
Ano na nga ba ang saysay
Bakit tuluyan nang nahimlay
Espasyo na may kakulangan
Tuluyan nang di napunan
May pag asa pa ba?
O itong lapis ay hanggang dito nalang
Lapis na walang tasa
Walang saysay, walang gana
Panghihinayang nalang ba ang nararamdaman
O may pag mamahal pang naiiwan
Araw araw na gumugulo sa isipan
Sagot na kailan matutuklasan
Hanggang saan ba tatagal
Ang pusong di napahalagahan
Ihahanap paba nang katuturan
Kung alam naman ang tunay na nilalaman
Maari naman tasahan muli
Ibalik ang sigla na may ngiti
Labi na naiwang may ngiwi
At di na hahayaang lapis ay mabali
Dahil ang lapis ay di maialis
Ang tunay na pananabik
Na mahalin at magamit siyang muli
Nang tamang taong magbibigay ng tulis.
Comments
Post a Comment