"Swelas" ni Ruth Apdoro
Una palang makita ang isat isa nadarama na agad ang galak at ligaya, parang buslong walang pagsiglan ng saya dahil akoy may kasama na at di nagiisa landas na aking tatahakin, ikaw at akoy wala nang aangkin salamat at dumating ka, para di na humanap pa ng katuwang sa iba handa na akong pag silbihan ka hanggang sa abot ng aking makakaya tuwa sa pusoy pumapanaog, sa bawat swelas na aking handog sabay tayong mag lalakad, daop ng ating mga pangarap akoy di ka lilisanin dahil ikaw ay matatawag kong akin kasama mo ako kahit san ka magpunta tumakbo,maglakad at mag pahinga di alintana sa akin ang sakit at pagod dahil bigay kong buhay sayo iaabot masaya ka naman at ganun din ako napapataba ko ang iyong puso bastat tayoy magkasama wala nang alinlangan pa ngunit bakit sa pag lipas ng panahon kagandahan koy di na natutuon, sa iyong pansin di na nililingon hinahayaan nang dumumi itong ating relasyon? masakit naba ang iyong mga paa? tuwing tayoy nglalakbay ng sabay di ko naba nabibigay ang proteks...