"Lapis na Walang Tasa" ni Ruth Apdoro
Kay sarap naman nitong lasapin Pag-ibig na di magmamaliw Palaging may nakaukit na ngiti Sa magandang labi ng ginigiliw Ngunit ito'y nasanay na sa saya't lambing Na akala ay wala nang pagising Di nakahanda sa tuluyang pagdating Bagay na nakasira sa isip at di mailibing libing Sa unay nasasabayan pa ang liko ng lapis Pinagbibigyan at sinasabayan ang saliw Hindi naglaon ito ay lumalabis Naputol, natangal at nabali Lapis na hawak Nagkaroon na ito ng lamat Bawat parte,kay laki ng agwat Sa paninira,ay di papaawat Ano na nga ba ang saysay Bakit tuluyan nang nahimlay Espasyo na may kakulangan Tuluyan nang di napunan May pag asa pa ba? O itong lapis ay hanggang dito nalang Lapis na walang tasa Walang saysay, walang gana Panghihinayang nalang ba ang nararamdaman O may pag mamahal pang naiiwan Araw araw na gumugulo sa isipan Sagot na kailan matutuklasan Hanggang saan ba tatagal Ang pusong di napahalagahan Ihahanap paba nang katuturan Kung alam naman ang tunay na nilalaman Maari naman tasa...